Coron Palawan

IMG_1158 (2)Ang Coron Palawan ay kilala sa angking ganda ng mga tanawin nila at mga island na maaari mong puntahan . Marami silang tourist spots na maipag mamalaki sayo . Sulit talaga kapag pumunta kayo dito . Isang oras lang ang byahe papunta , pagdating mo naman ay mga humigit kumulang 30 minutes ang byahe niyo papuntang pinaka main town ng Coron . Ang mga tao doon ay mababait at halos hindi ka makakakita ng mga nag aaway . Tsaka bongga naman ang mga tambay sakanila, kahit lasing na lasing na , babatiin ka parin nila ng may respeto at may pag galang . Alam ko to kase sabi saamin ni Ate Cherry ( The Tour guide ) malaking adjustments ang ginawa ng mga tao sa Coron nung nalaman nila na ang island nila ay pupuntahan na ng mga tourist . Nung una , dahil hindi pa sila sanay maslalo na yung mga tambay sa gilid gilid , kapag may mga turista na dumaan ay pinag titripan nila , maslalo na ang mga babae . Dahil nakakuha ng complain ang pinaka-head sa town nila , tinuruan nila ng leksyon yung mga tambay at pinaghahampas pa sila ng mga batuta . Kawawa man sila , pero syempre kailangan nilang matuto . Pagkatapos nung nangyare , naging mabait na sila sa mga turista hanggang ngayon !

Airport ( Cebu Pacific Airline )

So dumating kami sa airport ng 4;30 am , nagmamadali pa kami nun kase 5:20 am ang supposed to be time of flight naming . Pero pagdating namin , nag announce sila na may delay na nangyare sa flight namin . So we waited . Naghintay ng naghintay ng naghintay ng paulit ulit . 6:00 am na , aba hindi pa kami nakakaboard sa airplane . Sa madaling sabi , naghintay pa kami ng isa pang 2 hours , so bali naka sakay na kami sa eroplano ng 7:00 am ! Galit na galit na kami kase namiss na namin ang naka schedule naming activity which is yung Ultimate Package Tour . Ok , palipasin na naten yung delay of flight , pero pag sakay namin sa eroplano , nagulat kami na nag hintay nanaman kami ng 1 hour and 25 minutes . Grabe , nakakawalang gana . Nung sobrang nainip na kami , magtatanong na sana kami sa crew sa airplane kung ano na yung nangyayare at isang oras na ay hindi pa kami nakakaalis , pero guess what ? Walang mahagilap na crew . Absent sila , in short missing in action !

Mga Dapat Pang Bigyan Ng Pansin Ng Pagbabago

IMG_0006 (2)Walang duda na maganda dito sa Coron Palawan , pero hindi naman naten maiiwasan na Makita ang mga maliliit na bagay na hindi kaaya – aya diba ? Ngayon , pagkatapos naming makaalis sa airport , mayroong mga van na nakaabang na sa labas na maghahatid sainyo sa mga kanya-kanyang tutuluyan . Unang napansin ko ay ang mga daanan nila ay hindi simentado , at malubak ang kanilang mga daanan papunta sa town nila . Ok lang sana kung malubak , kaya lang nasakyan naming ang van na ang nagmamaneho ay kaskasero . Nakakatakot kase ang gilid ng aming dinadaanan ay gubat at madalas nama’y tubig na ! Walang harang at walang protekta sa gilid ng daanan . Pero mukhang sanay na ang mga driver doon . Pero kahit na , dapat inaayos tong daanan nila , naririnig ko nga yung mga kasabay naming na foreigner na gusto na daw nilang bumaba sa van , at mas gugustuhin nalang daw nilang maglakad . Hindi naman sa pagiging OA ,pero nakakakaba talaga si kuya driver mag drive . Mapapakapit ka nalang sa sulok ng upuan mo eh . Mas nakakakaba pa siya mag drive kesa sa paglanding ng eroplano .

Pagdating Sa Main Town

IMG_0005 (2)So nalagpasan na natin ang kwento ni kuyang kaskasero , proceed naman tayo sa lugar ng mga tutuluyan . Ayan ! Nakarating na kami sa place kung saan kami mananatili , wow mananatili . For 3 days and 2 nights ang stay namin dito , pero iba naman ang bungad saamin ng lugar . Eto yung picture na agad kong kinuhanan nung pagkakita ko dito . Grabe no ? Color green na yung water and kung mapapansin niyo , sa ilalim ng mga Bahay ay may mga net . Alam niyo ba kung para saan yung mga net ?? Para yan sa pagsala ng mga basura . Tama , basura . Sobrang dami ng basura sa tubig , kahit may pansala na sila may nakakalusot parin na plastic sa tubig . Nung isang beses nga eh may Nakita akong tsinelas , may kahoy sa ilalim ng tubig , may chichirya , at may luulutang na lalagyan ng Pringles . Pero kabog tayo sa mga basura nila dito , mga pringles and lays ang makikita mo . Nakakagulat nga na natawa pa ako kase may mga isdang lumalangoy dito . Tapos yung mga isda na yun , hinuhuli ng mga nasa skwaters doon at yun yung pinangkakain nila . Pero wag kayo sosyal ang skwaters nila dito , ang ilalim ay tubig , oh san kapa ? Sa Coron Palawan na ! Pero ok naman yung amoy ng hangin sakanila , hindi mabaho . Amoy dagat parin , dagat ng Coron Palawan !

Sa paglalakad , makikita mo yung likuran ng palengke nila . Well siguro kung saan lang IMG_0004 (2)kami dumadaan , pero maniwala kayo eto ang itsura ng wet market nila . Sa gilid niyan ay mayroon nanamang mga skwaters na nagkukumpulan . Nakakabilib naman ang mga skwaters dito , nakangiti parin sila at hindi nag aaway , hindi tulad dito sa Laguna , mag aagawan at magsasapakan kapag may isang pagkakamaling nagawa . Dito sa nakikita niyo , mayroong mga bangka sa likuran ng market nila na yun yung pabalik balik sa dagat at doon nanghuhuli sila ng mga sariwang isda . Sanay na nga sila sa mga nangyayare eh , na kahit mabilis na ang mga bangka , hindi sila nagbabanggaan . Para silang mga sasakyang panlupa .Pero sana mas mapaayos pa nila ang wet market sakanila at mapapinturahan pa ng mas maayos . Sana din mayroon na silang maayos na pupuntahan ng mga bangka para hindi sila magulo at siksikan tignan .

Town Tour

Kapag nag pa tour ka dito sa Coron , unang pupuntahan niyo ang pinagmamalaki nilang “The Sleeping Giant” . Eto yung bundok na hugis tao na nakahiga . Ang ganda nga neto kapag Nakita niyo sa personal . So eto ang itsura niya . Maganda ang tanawin pero makikita mong ang mga nagtitinda ay puro kabataan . Dapat nag-aaral sila ,pero sa halip nagtatrabaho nalang sila . Tinanong nga namin ng mga bagay na tungkol sa Coron , nakakamangha kase alam na nila ang sasabihin at confident pa sila sa sagot nila . AlaIMG_1142m nila yung history ng isla nila . Tsaka magaling din sila mang sales talk . Pero nung tinanong na namin sila kung bakit sila pa ang nagtatrabaho at naglalako , ang sagot nilang lahat “Hindi di po namin alam” nakakaawa lang sila maslalo na kung makikita mo kung gaano sila nagsisikap na magtrabaho at kung paano nila tinitiis na wag kainin yung mga tinitinda nilang ice candy .

Beauty of this Place

IMG_1296Maaaring may mga palya sa mga konting bagay ang Coron , pero aminin natin na maganda talaga dito . Maslalo na kapag nag Island hopping na kayo , yung mga isla nila sobrang worth it ang pagod kung ang kapalit naman ay yung mga magagandang tanawin . Instagram worthy talaga siya . Tsaka maraming mga tao na makakama mo sa bangka papunta sa mga island ,ang kagandahan dito ikaw pa ang kakausapin at lalapitan nila kase sobrang natutuwa sila sa mga Pinoy . Bawat isla na mapupuntahan mo mayroong angking ganda at pagkakaiba-iba sa isa’t isa. Mamamangha ka talaga kase doon mo talaga makikita ang napakagandang tanawin at creation . Panatilihin natin ito , ang kagandahan neto at and pagiging espesyal neto sa mga tao , maslalo na sa mga naninirahan dito . Kaya kapag may mga patakaran doon , talagang kailangan naten sundin dahil para din naman ito sa kaligtasan ng paligid .

This slideshow requires JavaScript.

 

 

Leave a comment